TINIYAK ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na makukumpleto ang 3.26-Billion Peso Tacloban-Palo Diversion Road pagsapit ng 2028.
Sa kabila ito ng kawalan ng alokasyon ng DPWH para sa proyekto sa kanilang 2026 Budget.
Mga Calbayognon sa Middle East na nagpa-register sa I-Konek, umakyat na sa 210
P200K reward, inilabas para mahuli ang sundalong bumaril sa DPWH engineer sa Samar
4-day onsite work arrangement at energy conservation protocols, tinalakay sa pulong ng Calbayog LGU
Bagong rehabilitation center, binuksan sa Albuera, Leyte
Sinabi ni Dizon na makatatanggap ang proyekto ng funding sa 2027 at 2028 matapos maapektuhan ng major overhaul ang 2026 project lineup ng DPWH.
Kilala sa tawag na “Grand Canal,” nakatanggap na ang project ng 2.33 billion pesos na pondo simula 2019 at 2023 hanggang 2025 National Budgets.
As of January 2026, nasa 49.38 percent ng kumpleto ang konstruksyon ng Tacloban-Palo Diversion Road na may 3.2 kilometers mula sa San Jose District sa Tacloban City hanggang sa Campetic Village sa Palo, Leyte.
