INAMIN ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez na nakararanas siya ng anxiety sa kanyang performances.
Kabilang na rito ang guest appearance niya sa concert ni Josh Groban, kamakailan.
ALSO READ:
Sinabi ni Regine na hindi niya alam kung paano siya nagsimulang makaramdam ng anxiety tuwing kumakanta siya sa stage.
Aniya, kung dati-rati ay excited siya sa pagpe-perform, ngayon ay sobrang pagkabalisa ang hatid nito sa kanya.
Nilinaw ng singer na mahal pa rin niya ang pagkanta, subalit ang pagkabalisa tuwing magpe-perform sa stage, ay maaring bahagi ng kanyang pagtanda.




