IPINAKITA ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang kanyang suporta para sa bagong dietary supplementation program na inilunsad noong martes, sa Joggers Covered Court.
Ang programa na pinangunahan ng Calbayog Nutrition council coordinator, Dr. Roy Maribojoc, ay sinuportahan ng City Population Office na pinamumunuan ni Dymple Via Naparan.
ALSO READ:
Napaulat na expansion ng Geothermal Project, itinanggi ng mga opisyal sa Biliran
Mga biyahe sa karagatan sa Eastern Visayas, pinayagan na muli ng coast guard
Illegal gun dealer, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Calbayog City
Halos 3 milyong pisong halaga ng tulong pangkabuhayan, ipinagkaloob ng DOLE sa mga grupo ng kababaihan sa Southern Leyte
Layunin ng naturang programa na pagbutihin pa ang nutrisyon ng mga bata, buntis, at kabataang ina na edad trese hanggang disi nueve na nagpapadede ng kanilang sanggol.
Dumalo rin sa launching sina Calbayog City Councilors Dolor Delos Santos, Florencio Enriquez, at Marc Celino Tan.
