PROUD na isinuot ni Winwyn Marquez ang kanyang Marine Reservist Uniform nang dumalo sa isang Flag-Raising Event sa Rizal Park sa Maynila.
Kabilang sa mga larawang ibinahagi ng actress-beauty queen sa Instagram ay habang nakatayo siya ng tuwid sa ilalim ng malaking Philippine flag.
Ang event ay inorganisa ng Non-Profit Oranization na Salute to a Clean Flag, bilang bahagi ng pagdiriwang ng National History Month ngayong Agosto.
Idinagdag ng kauna-unahang Pinay na kinoronahan bilang Reina Hispanoamericana, na ang ating watawat ay higit pa sa isang simbolo, isa itong pangako na magsisilbi, gugunita, at magbubuklod.
Nakumpleto ni Winwyn ang Marine Reservist Training sa ilalim ng Philippine Naval Reserve Command noong 2020, kung saan nanguna siya sa kanyang klase.