Idineklara ng Quezon City Government ang outbreak ng whooping cough o pertussis kasunod ng pagtaas ng mga kaso ng nakahahawang respiratory infection.
Sa press conference, sinabi ni Mayor Joy Belmonte na dalawampu’t tatlong kaso ng pertussis ang naitala sa lungsod, as of March 20.
Apat na sanggol aniya ang namatay bunsod ng naturang impeksyon.
Ayon sa QC government, batay sa Center for Disease Control and Prevention (CDC), ang pertussis ay contagious disease sa baga dulot ng bacteria na tinatawag na bordetella pertussis.
Maaring makahawa ang sakit kapag ang infected person ay bumahing o umubo at nailipat ang bacteria sa ibang tao.