NAIPASOK na ng Google Maps sa records nito ang West Philippine Sea.
Ayon kay Dr. Chester Cabalza, founder at president ng International Development and Security Cooperation, ang presensya ng “West Philippine Sea” sa Google Maps ay patunay na kinikilala ng international community ang territorial claims ng Pilipinas sa lugar.
Senior citizens na nakatanggap ng Social Pension noong nakaraang taon, lagpas pa sa target
Pangulong Marcos, nagbigay ng financial assistance at medical equipment sa ospital sa Cebu
Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, maari nang i-deport ng US, ayon kay Ombudsman Remulla
Atong Ang, Number 1 Most Wanted sa bansa ayon sa DILG; Red Notice laban sa negosyante, ihihirit ng pamahalaan
Ang bahagi ng South China Sea sa kanluran ng Pilipinas ay nilagyan ng label ng Google Maps bilang West Philippine Sea, batay sa nakitang resulta sa quick search sa global mapping platform kahapon.
Idinagdag ng security analyst na sa pamamagitan nito ay nanumbalik ang kaparehong tuwa at saya nang manalo ang Pilipinas ng arbitral award noong July 2016.
Unang ginamit ang terminong “West Philippine Sea” noong 2011 sa administrasyon ni yumaong Pangulong Noynoy Aquino, para tukuyin ang maritime areas sa kanlurang bahagi ng kapuluan na nasa loob ng 200-nautical mile Exclusive Economic Zone.
