TINIYAK ni Samar Governor Sharee Ann Tan na maliit lamang ang epekto sa kalikasan ng proposed “Unity Roads” na sasaklaw sa tri-boundaries ng Samar Island.
Sinabi ni Tan na nakikipag-coordinate ang Provincial Government sa Department of the Environment and Natural Resources (DENR) at sa Protected Area Management Board (PAMB), upang masigurado na hindi magiging malaki ang epekto sa protected areas ng construction activities.
Maharlika Falls sa Eastern Samar, isinusulong para maging premier ecotourism destination
Unity Road Project, paglalaanan ng malaking pondo sa loob ng 2 taon
Panukalang Samar Island Connectivity Road Project, tinalakay sa Office of the Executive Secretary
3.4% inflation rate, naitala sa Eastern Visayas noong Pebrero
Inihayag ng gobernadora na kung mayroong mga puno na kailangang putulin ay very minimal lamang, at ikinokonsidera rin nila ang paglalagay ng bakod sa kahabaan ng ruta upang hindi makapasok sa area ang mga illegal logger.
Ang proyekto ay kinapapalooban ng 181.17 kilometers ng kalsada na sasaklaw sa major routes, gaya ng Matuguinao-Silvino Lobos, Matuguinao-Las Navas, Calbayog-Bobon, San Jose de Buan-Maslog, San Jose de Buan-Las Navas, at Calbiga-Borongan.
