NAPASAKAMAY muli ng University of the Philippines ang kampeonato sa UAAP Men’s Football matapos talunin ang Far Eastern University, sa score na 2-1, sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila.
Pinatunayan ng goal ni Ramil Bation III sa 104th minute ang pagkakaiba ng dalawang team, na nagbigay sa Fighting Maroons ng ikalawang championship sa loob ng tatlong taon.
Pinay tennis superstar na si Alex Eala, umakyat sa panibagong career-best No. 31 sa WTA rankings
Mike Phillips, binigyang ng full local status ng FIBA para sa Gilas Pilipinas, ayon sa SBP
Gilas players, malapit ng makumpleto sa training sa inaasahang pagdating ni Quentin Millora-Brown
Pinay Tennis Ace Alex Eala, uusad sa Round of 16 ng Dubai Open
Sinabi ni UP Head Tactician Popoy Clariño na binigyan sila ng FEU ng game na hindi nila makakalimutan.
Inihayag naman ng senior co-captain na si Liam Lampayan na ipinakita ng team ang kahulugan ng pagiging Fighting Maroon, at umaasa siyang ipagpapatuloy ng koponan ang tradisyon.
Naiuwi naman ng University of Santo Tomas ang bronze medal habang ang champion na UP ay binigyan din ng Tournament’s Fair Play Award.
