LABINLIMA ang patay makaraang matabunan ng putik ang homestay house sa isang tourist area sa Southeastern China, sa gitna ng malakas na buhos ng ulan.
Dalawampu’t isa katao ang na-trap sa Yuelin Village, sa ilalim ng hurisdiksyon ng Hengyang City sa Hunan Province, matapos tumama ang mudslide.
Anim na sugatan ang nailigtas at dinala sa ospital upang malapatan ng lunas.
Samantala, isang delivery person na lulan ng scooter ang nasawi rin matapos mabagsakan ng natumbang puno sa Shanghai, dahil din sa masamang panahon.
Ang mga nasawi ay iniuugnay sa typhoon Gaemi (bagyong Carina sa Pilipinas) na humina at naging tropical storm matapos mag-landfall noong huwebes.