INAPRUBAHAN ng Sangguniang Panlungsod ng Dagupan ang pagdedeklara sa December 26 kada taon bilang “Speaker Jose de Venecia Day.”
Ito ay bilang pagkilala sa legasiya ni Dating House Speaker Jose de Venecia Jr., hindi lamang sa lungsod ng Dagupan kundi sa buong bansa.
ALSO READ:
Sa inaprubahang ordinansa, tuwing December 26 ay magkakaroon ng “Speaker Jose de Venecia Leadership and Public Service Commemoration” para gunitain ang buhay, pamumuno, at dedikasyon sa paglilingkod sa publiko ng dating house speaker.
Ang nasabing petsa ay ituturing na Special Working Day of Commemoration.
Ipinanganak si de Venecia December 26, 1936 sa Barangay Pogo Grande sa Dagupan City.




