NAISILBI na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang subpoena kay Vice President Sara Duterte, kasunod ng banta nito na may inatasan siyang tao para patayin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sakaling siya ay mapatay.
Dakong alas dose ng tanghali kahapon nang isilbi ng mga tauhan ng NBI ang subpoena sa Office of the Vice President Main Office sa Mandaluyong City.
Nakasaad sa subpoena na ipinatatawag si Duterte sa nbi Headquarters sa biyernes, alas nueve ng umaga, para ipaliwanag ang naging pahayag nito laban kina Pangulong Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos, at Speaker Martin Romualdez.
Inihayag naman ni Justice Undersecretary Margarita Gutierrez na ang subpoena ay bahagi ng imbestigasyon ng Department of Justice, sa pangunguna ng NBI, kasunod ng banta ng Bise Presidente.




