INATASAN ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang mga pulis na gumamit ng body cameras sa kanilang paghahanap sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang.
Ito ay upang mapigilan ang posibleng panunuhol na maaring magresulta sa pagtakas ni Ang, na itinuturing ng Department of the Interior and Local Government (DILG) bilang most wanted person dahil sa pagkawala ng mahigit tatlumpung sabungero.
GOTIA: Ang West Philippine Sea ay Karapatan ng Pilipinas na Pinagtitibay ng BatasMga Maling Interpretasyon na Kinakailangang Linawin
17 puganteng Taiwanese, ipina-deport ng BI
Coast guard, ginunita ang ika-200 araw ng paghahanap sa “missing sabungeros”
15 survivors at 2 nasawi sa tumaob na MV Devon Bay, nai-turn over na sa PCG
Ipinaliwanag ni Remulla na iniiwasan niyang magkaroon ng hulidap kaya dapat lahat ng kasama sa operasyon ay naka-body camera bago ang raid.
Sinabi ng kalihim na kapag kasi may nakitang maraming pera ay maaring matukso ang mga pulis, kaya maingat at tahimik tuwing may inspeksyon.
Tinukoy din ni Remulla ang malawak na koneksyon at resources ng negosyante bilang hadlang sa agarang pag-aresto sa kanya, dahil kumikita ito ng isang bilyong piso araw-araw mula sa gambling business.
Hanggang ngayon ay bigo pa rin ang mga awtoridad na matagpuan si Ang sa kabila ng sampung milyong pisong pabuya para sa makapagtuturo sa kanyang kinaroroonan.
