SINAMPAHAN ng kasong plunder, malversation at graft sa Office of the Ombudsman si VICE President Sara Duterte bunsod ng umano’y maling paggamit ng confidential funds at iba pang public funds.
Pinangunahan ni Dating Senador Antonio Trillanes IV at ng civil society group na The Silent Majority ang paghahain ng kaso sa Ombudsman, kahapon.
ALSO READ:
Larawan ng menor de edad na anak ni VP Sara, ginamit sa pagpapakalat ng fake news
Panukalang pagsuspinde sa excise tax, pasado na sa 2nd reading sa Kamara
Panukala kaugnay sa emergency powers, sesertipikahang urgent ni PBBM
P5K ayuda sa mga tsuper ipamamahagi na sa susunod na linggo; taas-singil sa pasahe kasado na ayon sa DOTr
Sinabi ni Trillanes na ang kanilang hakbang ay tungkol sa “accountability.”
Saklaw ng reklamo ang mga naging aksyon ni Duterte simula nang ito ay maging vice mayor at mayor sa Davao City hanggang sa maging bise presidente at education secretary.
