22 November 2024
Calbayog City
National

7 tsino na nahuli ng Philippine Coast Guard, nasa kustodiya na ng Bureau of Immigration

philippine coast guard 7 chinese nationals

Nasa ilalim na ng kustodiya ng Bureau of Immigration (BI) ang pitong Chinese nationals na nahuli ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa paglabag  sa Philippine Immigration Laws.

Ang mga dayuhan na may edad tatlumpu hanggang apatnapu’t lima ay lulan ng nasabat na M/V Sangko Uno sa Navotas City Port noong a-kinse ng Setyembre.

Itinurnover ang mga tsino sa BI para sa deportation proceedings at  inilipat sa pasilidad sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan sa Taguig City.

Ayon kay BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan Jr., iligal ang pananatili ng mga banyaga sa bansa dahil wala silang naiprisintang mga kaukulang dokumento.

Kinundena rin ng ahensya ang pagbalewala ng mga  dayuhan sa immigration laws ng bansa, kasabay ng pagtiyak ng mas agresibong mga hakbang upang masugpo ang illegal alien activities.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.