INAPRUBAHAN na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-adopt ng three-term school calendar para sa public schools simula sa Academic Year 2026–2027.
Ayon sa Presidential Communications Office, isa itong reporma sa education sector para matugunan ang matagal nang usapin sa compressed learning periods dahil sa mga hindi inaasahang class suspensions dulot ng kalamidad.
Ayon sa PCO, may direktiba na si Pangulong Marcos sa Department of Education na tiyakin na gamit ang mas maiksing school structure ay masusuportahan ang mga mag-aaral na hirap na makasabay.
Dapat ding masiguro na naka-align ito sa semestral system ng Senior High School at handa ang mga paaralan para sa full implementation nito.




