KINUMPISKA ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (boc-NAIA) ang mga hindi deklaradong foreign currencies mula sa isang pasahero na papaalis sana sa NAIA terminal 1.
Ang nakumpiskang mga currency ay kinabibilangan ng 3,950,000 Japanese yen (JPY), 20,000 Euro (EUR), at 8,500 Kuwaiti dinar (KWD).
DepEd NCR, nag suspinde ng Face-to-Face Classes ngayong Lunes hanggang bukas
Maynila, nakakolekta na ng 160 million pesos na buwis mula sa Flood Control Contractors
Navotas Floodgate, nabutas matapos mabangga ng barko
DOTr, binigyan ng Special Permits ang mahigit 200 na bus para magsakay ng mga pasahero sa NIA Road
Hinarang ng customs personnel ang pasahero matapos makitang may kahina-hinalang laman ang hand-carried baggage nito nang sumailalim sa x-ray.
Ang pasahero ay isang Pinoy na aalis patungong Hong Kong.
Nang isailalim sa physical examination ang bag ay nakita ang mga nakatagong pera na hindi idineklara ng pasahero.
Isinailalim sa inquest proceedings ang pasahero dahil sa paglabag sa Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act, Manual of Regulations on Foreign Exchange Transactions, Republic Act No. 7653 o The New Central Bank Act, at Republic Act No. 9160 o Anti-Money Laundering Act. (DDC)