ISANG tagong imbakan ng mga armas na pag-aari ng New People’s Army (NPA) ang nahukay ng mga sundalo sa bulubunduking bahagi ng Barangay Buak Daku, sa Bayan ng Sogod, sa Southern Leyte.
Bahagi ito ng pinaigting na hakbang ng militar upang tuluyang buwagin ang humihinang pwersa ng mga rebelde sa rehiyon.
Ayon kay Brig. Gen. Noel Vestuir, Commander ng 802nd Infantry Brigade, kabilang sa mga narekober na armas ang isang M16 rifle, isang short magazine, at mga subersibong dokumento.
Sinabi ni Vestuir na natunton ng mga tauhan ng 14th Infantry Battalion ang lokasyon ng imbakan ng mga armas mula sa impormasyon ng mga dating rebelde.