SISIMULAN na ng Department of Agriculture ang pamamahagi ng fuel assistance sa mga magsasaka na apektado rin ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., naglaan ang ahensya ng fifty million pesos para sa mga benepisyaryo.
ALSO READ:
Aabot aniya sa halos nine thousand five hundred na magsasaka ang makatatanggap ng tig-five thousand pesos na tulong.
Ang nasabing tulong pinansyal ay malaking bagay sa mga magsasaka lalo na sa mga umaasa sa paggamit ng makinarya sa kanilang produksyon.
Ang makatatanggap ng ayuda ay ang mga magsasaka na nakarehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture.




