1 July 2024
Calbayog City
Business Overseas

Vietnam, tiniyak ang pagsusuplay ng bigas sa Pilipinas

vietnam
Nasa larawan: Pulong sa pagitan nina House Speaker Martin Romualdez at President of the National Assembly of Vietnam Vuong Dinh Hue sa Fairmont Hotel Jakarta. Kabilang sa tinalakay ang pagtiyak ng Vietnam sa matatag na suplay ng abot-kayang presyo ng bigas sa Pilipinas. Kabilang din sa larawan sina Pangasinan Rep.Rachel Arenas at Zamboanga Del Norte Rep. Glona Labadlabad.

Kaugnay sa pinangangambahang kakulangan ng suplay ng bigas dulot ng El Niño Phenomenon at panalasa ng mga bagyo sa Pilipinas, nangako naman ang Vietnam na magsusuplay ng bigas sa Pilipinas.

Ang pagtiyak ay kaugnay na rin sa pakikipagpulong ni Speaker Martin Romualdez  kay Vuong Dinh Hue, pangulo ng National Assembly of Vietnam.

Si Romualdez ay kasalukuyang nasa Indonesia para sa 44th AIPA (ASEAN Parliamentary Assembly) General Assembly sa Jakarta.

Bukod sa epekto ng bagyo at banta ng tagtuyot, nagpatupad din ng ‘export ban’ ng bigas ang India-ang pinakamalaking exporter ng bigas na malaking epekto sa Pilipinas na malakas magkonsumo ng bigas.

Habang ang Vietnam ang pangunahing pinanggagalingan ng imported na bigas ng Pilipinas subalit maaring mabawasan ang pagbebenta kung kukuha din ang iba pang bansa. 

Sa kabila nito, ang pagtiyak ng Vietnam ay makatutulong upang matiyak na mayroong sapat na suplay ng bigas sa Pilipinas at maiwasan ang pagtaas ng presyo sa pamilihan.

Pinag-usapan din ng dalawang pinuno ang pagtutulungan kay Hue at pamahalaan ng Pilipinas sa larangan ng enerhiya, digital transformation, produktong pang-ekonoiya at materyales sa ‘construction’ tulad ng semento. (Jack Adriano)

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *