19 March 2026
Calbayog City
Province

Vice mayor sa Camiguin, timbog matapos makumpiskahan ng shabu

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang vice mayor sa lalawigan ng Camiguin matapos makumpiskahan ng 15 grams ng hinihinalang shabu at baril sa loob ng kanyang bahay.

Nasakote ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang suspek sa bahay nito sa bayan ng Guinsiliban.

Hindi pinangalanan ng PDEA ang vice mayor, at hindi pa masabi kung talagang nagtutulak ito, bagaman may narekober sa bahay nito na mga iligal na droga.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).