Nagtaas na ng Tropical Cyclone Wind Signal ang PAGASA sa maraming lugar sa Luzon dahil sa bagyong Uwan na nasa labas pa rin ng bansa.
Ayon sa PAGASA ang sentro ng Severe Tropical Storm Uwan ay huling namataan sa layong 1,175 kilometers east ng East ng Eastern Visayas taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 110 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 135 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers per hour sa direksyong pa-kanluran.
Itinaas na ng PAGASA ang Signal Number 1 sa sumusunod na mga lugar:
- southeastern portion of Quezon
- the eastern portion of Romblon
- Camarines Norte
- Camarines Sur
- Catanduanes
- Albay
- Sorsogon
- Masbate
- Northern Samar
- Eastern Samar
- Samar
- Biliran
- Leyte
- Southern Leyte
- northern and central portions of Cebu including Bantayan and Camotes Islands
- northeastern portion of Bohol
- northern portion of Negros Occidental
- northeastern portion of Capiz
- northeastern portion of Iloilo
- Dinagat Islands
- Surigao del Norte
Sa susunod na 24 na oras west northwest ang magiging galaw ng bagyo at inaasahan itong papasok sa bansa ngayong gabi o bukas ng umaga.
Posible itong mag-landfall sa southern portion ng Isabela o sa northern portion ng Aurora sa Linggo ng gabi o s aumaga ng Lunes.
Posibleng bukas ng gabi o sa Linggo ng umaga ay aabot sa super typhoon category ang bagyo.




