INANUNSYO ng FIFA ang walong venues para sa 2027 Women’s World Cup sa Brazil kung saan gaganapin ang stage matches.
Nangunguna rito ang Maracana Stadium sa Rio De Janeiro.
Kabilang din sa host cities para sa unang edisyon ng tournament sa South America ay Belo Horizonte, ang kabisera ng Brasilia, Fortaleza, Porto Alegre, Recife, Salvador, at Sao Paolo.
Ang lahat ng naturang stadiums ay ginamit din noong 2014 Men’s World Cup kung saan nagsilbing host ang Brazil.