KABUUANG 548 na mangingisda ang inaasahang makikinabang mula sa fuel subsidy program ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Eastern Visayas, sa pakikipagtulungan ng Provincial Government sa Northern Samar.
Ayon sa Provincial Economic Development and Investment Promotions Office (PEDIPO), ang mga benepisyaryo ay nakarehistro sa ilalim ng registry system for basic sectors in agriculture, municipal fisherfolk registration, at boat registration systems.
Eastern Visayas Regional Hospital, sisimulan ang transplant operation sa 3rd quarter ng 2026
Mga turista, hinikayat na bumisita sa rock formations sa Biri Island sa Northern Samar
Mayor Uy, bubuo ng task force sa Calbayog CITY para sa State of Energy Emergency
Mahigit 196 billion pesos na halaga ng mga proyekto, inendorso ng Regional Development Council sa Eastern Visayas
Noong Lunes ay inisyal na 130 na mangingisda ang tumanggap ng assistance sa Provincial Capitol Gym.
Bawat benepisyaryo ay binigyan ng one-time fuel subsidy cards na nagkakahalaga ng 3,000 pesos, para matulungan ang mga may-ari ng de-motor na bangka na maipagpatuloy ang kanilang operasyon sa gitna ng pagsirit ng presyo ng langis.
Ang mga unang nakatanggap ay mula sa mga munisipalidad ng Catarman, Bobon, at Mondragon.
