PATAY ang isang walong taong gulang na lalaki matapos saksakin ng umano’y kapitbahay sa Barangay Santiago II sa San Pablo City sa Laguna.
Ayon sa pulisya, nagtamo ang biktima ng mga tama ng saksak sa tenga, leeg, at tiyan.
ALSO READ:
Day of Mourning, idineklara ng Cebu City para sa mga biktima ng pagguho sa Binaliw landfill; death toll, umakyat na sa 20
DSWD, patuloy ang repacking ng food packs para sa mga pamilyang apektado ng Mt. Mayon
Bilang ng mga nasawi sa pagguho ng landfill sa Cebu City, umakyat na sa 6
Halos 3,000 personnel, ipakakalat para sa Ati-Atihan Festival
May sugat din ang paslit sa isang kamay, na pinaniniwalaan ng mga imbestigador na ginamit nito para salagin ang patalim.
Nabatid na pauwi na umano ang biktima mula sa paaralan nang mangyari ang pag-atake.
Inihayag ng PNP na isang kapitbahay ng biktima ang iniimbestigahan kaugnay ng naturang insidente.
