TINATAYANG aabot sa halos P44 milyon ang iniwang pinsala ng sunog sa isang mall sa Abad Street, Barangay Santo Rosario, Naval, Biliran,.
Nangyari ang sunog pasado alas-12 ng hapon ng April 9, 2026.
ALSO READ:
Sa inisyal na imbestigasyon, pinaniniwalaang nagsimula ang apoy sa ikalawang palapag at mabilis na kumalat hanggang tuluyang natupok ang buong gusali.
Nadamay din sa sunog ang nasa pitong establisyimento, kabilang ang ilang bahagi ng Old Mall Naval.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) upang matukoy ang sanhi ng sunog.




