13 October 2025
Calbayog City
Province

1.663 million pesos na halaga ng marijuana at cannabis-infused disposable vapes, nakumpiska sa Port of Clark

NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Clark ang isang kargamento na naglalaman ng 1,098 gramo ng high-grade marijuana o “kush” at sampung piraso ng cannabis-infused disposable vapes.

Ayon sa BOC, idineklarang naglalaman ng “tub shower faucet set,” ang kargamento na galing ng Arizona, United States at patungo sana ng Quezon City.

Hinarang ito matapos makita ang kahina-hinalang imahe nang dumaan sa X-ray.

Sa isinagawang physical examination natuklasan ang isang black vacuum-sealed plastic bag na may lamang 30 disposable vape pens, 10 dito ay kumpirmadong cannabis-infused.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).