BUMABA ang Filipina tennis ace na si Alex Eala sa No. 45 mula sa career-best na No. 29 sa latest Women’s Tennis Association (WTA) rankings.
Ang 16-notch drop na pinakamalaking pagbagsak na tinamo ng sinumang player sa latest rankings update ay kasunod ng paglabas ni Eala sa Round of 16 sa WTA 1000 Miami Open noong nakaraang linggo.
ALSO READ:
Olympic women’s sport, lilimitahan sa ‘biological females’
Manny Pacquiao, nagsimula nang mag-training, limang buwan bago ang rematch laban kay Floyd Mayweather JR.
Benilde, pinauwi ang Perpetual para sa ikalimang sunod na NCAA Women’s Volleyball Finals
Pinay Tennis Ace Alex Eala, laglag na sa 2026 Miami Open
Pinadapa si Eala ni Karolina Muchova ng Czech, sa score na 6-0, 6-2, noong March 24.
Sa Round of 16 finish, nakakuha lamang ang bente anyos na Pinay ng 120 points, kapos ng 270 points mula sa 390 points na kanyang nakalap sa historic Semifinal run sa naturang tournament noong nakaraang taon.
