TINANGGIHAN ni Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang imbitasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na dumalo sa kanilang imbestigasyon sa Flood Control Projects.
Sa kanyang Facebook page, ipinost ni Duterte ang bahagi ng kanyang liham na ipinadala sa ICI, kung saan sinabi niyang walang kapangyarihan o hurisdiksyon sa kanya ang ICI.
Tinawag din ng kongresista na “vague and ambiguous” o malabo ang imbitasyon ng panel.
Ginawa ni Duterte ang pahayag, isang araw matapos nitong sabihin na bukas siya na harapin ang imbestigasyon ng ICI, dahil wala siyang tinatakbuhan at wala siyang kinatatakutan.




