LIBRENG makasasakay sa LRT-2 ang lahat ng pasahero sa April 9 na paggunita sa Araw ng Kagitingan.
Ayon sa abiso ng Light Rail Transit Authority, ang libreng sakay para sa lahat ng pasahero ay ipatutupad mula alas syete hanggang alas nueve ng umaga at alas singko ng hapon hanggang alas syete ng gabi.
Ito ay bilang pakikiisa ng LRTA sa pag-alala sa kagitingan, sakripisyo, at kabayanihan ng mga bayani na nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan ng bansa.
Una nang nag-anunsyo rin ang MRT-3 ng isang linggong libreng sakay mula April 6 hanggang 11 para sa mga beteranong Pilipino.




