Nagpadala ng tulong ang United States Agency for International Development (USAID) para sa mga biktima ng malawakang pagbaha sa malaking bahagi ng bansa.
Kabilang dito ang pagkakaloob ng 700 emergency shelter na ipinadala sa Maguindanao Del Sur at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na unang naapektuhan ng mga pagbaha at malalakas na pag-ulan.
Israel, muling umatake sa Gaza matapos akusahan ang Hamas na lumabag sa Ceasefire; 20 katao, patay!
Lithuania, isinara ang Border sa Belarus kasunod ng paglabag sa kanilang Airspace
Egypt at Red Cross, tumulong sa paghahanap sa labi ng mga bihag sa Gaza
US President Donald Trump, nakisayaw sa mga performer nang dumating sa Kuala Lumpur
Tiniyak din ni US Embassy Spokesperson Kanishka Gangopadhyay na patuloy ang paglikom ng Estados Unidos ng mga dagdag na tulong na maaari pang maipadala sa bansa.
Tiniyak naman ni US Ambassador to the Philippines Marykay Carlson ang tuloy-tuloy na koordinasyon ng embahada sa pamahalaan ng Pilipinas para malaman ang sitwasyon at pangangailangan.
Nagpaabot din ang ambassador ng kanyang panalangin sa mga Pilipinong naapektuhan ng matinding pagbaha dulot ng ilang araw na walang tigil na pagbuhos ng ulan.
