INANUNSYO ni US President Donald Trump ang pagkalas ng Amerika sa World Health Organization (WHO).
Binigyang diin ng nagbabalik na US President, na nabigo ang global health agency na kumilos nang malaya sa pagtugon sa COVID-19 pandemic at iba pang international health crises.
Sinabi ni Trump na nagpa-impluwensya ang WHO sa ibang member states, at inobliga ang U-S ng napakalaking payments, na hindi patas sa siningil sa ibang malalaking bansa, gaya ng China.
Nilagdaan ni Trump ang naturang executive order, ilang oras matapos ang inagurasyon para sa kanyang ikalawang termino.