NAGBIGAY lang ng apatnapu’t walong oras na ultimatum si US President Donald Trump sa Iran para buksan muli ang Strait of Hormuz.
Babala ni Trump, kung mabibigo ang Iran, ay pasasabugin ng US ang mga power plant ng nasabing bansa at unang tatargetin ang pinakamalaking planta.
ALSO READ:
Iranian missile, nagdulot ng matinding pinsala sa Ras Laffan sa Qatar
Iranian security chief, patay sa air strikes ng Israel
EU States, hindi palalawakin ang kanilang naval operations para ma-secure ang Strait of Hormuz
US President Trump at British Prime Minister Starmer, tinalakay ang muling pagbubukas ng Strait of Hormuz
Ginawa ni Trump ang babala ilang oras matapos atakihin ng Iran ang Southern Israel na ikinasugat ng mahigit isang daang katao.
Sa kabila ng banta ni Trump, tila naman hindi natinag ang Iran.
Ayon sa Iranian Army, tatargetin din nila ang energy at desalination infrastructure na pag-aari ng US.
