INATASAN ni US President Donald Trump ang dalawanlibong national guardsmen sa Los Angeles na pahupain ang mga pag-aaklas bunsod ng raids sa Undocumented Mirgants.
Sinabi ni Trump na manghihimasok na ang federal government at reresolbahin ang problema matapos maranasan sa Californian City ang ikalawang araw ng girian sa pagitan ng mga nagpo-protesta at Federal Agents.
ALSO READ:
Iran, walang palulusutin kahit 1 litrong langis sa Strait of Hormuz
UAE oil giant na ADNOC, isinara ang kanilang Ruwais refinery kasunod ng drone strike
France, naghahanda sa pag-escort ng mga barko sa Strait of Hormuz kapag kumalma na ang giyera
13 katao patay, halos 2,000 sugatan sa mga pag-atake ng Iran sa Israel
Tear gas ang ginamit para ma-disperse ang mga raliyista, nang magpang-abot ang mga residente ng Latino Paramount District at mga tauhan ng Immigration and Customs Enforcement (ICE).
Nasa isandaan at labing walo ang inaresto sa LA noong nakaraang Linggo bilang resulta ng ICE operation, kabilang ang apatnapu’t apat noong Biyernes.
