HINIMOK ni US President Donald Trump ang Iran na makipag-usap at gumawa ng deal kaugnay ng nuclear weapons dahil kung hindi ay magiging malala ang susunod na pag-atake ng Amerika.
Sa social media, sinabi ni Trump na agad sanang makipag-negosasyon ang Iran para sa “fair and equitable deal – no nuclear weapons” na makabubuti sa lahat ng partido.
Sa gitna ng buildup ng US forces sa Middle East, binigyang diin ni Trump na ang kanyang last warning sa Iran ay susundan ng military strike sa Hunyo.
Tumugon naman ang Tehran nang may pagbabanta at sinabing gaganti sila sa Estados Unidos, maging sa Israel, at sa iba pang sumusuporta sa mga ito.




