1 October 2025
Calbayog City
Overseas

US President Donald Trump, hindi naabisuhan ni Prime Minister Benjamin Netanyahu bago ang pag-atake ng Israel sa Qatar

ISINIWALAT US President Donald Trump na hindi siya inabisuhan ng maaga ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu hinggil sa pag-atake ng Israel sa Qatar noong nakaraang linggo.

Ginawa ni Trump ang pahayag, kasunod ng Report na ipinabatid ni Netanyahu sa US President ang naturang pag-atake bago nila ito isinagawa.

Sinabi naman ng Trump Administration na nalaman lamang nila ito noong nasa himpapawid na ang missiles, kaya wala nang pagkakataon para mapigilan nila ang pag-atake.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).