INAPRUBAHAN ng US State Department ang posibleng pagbebenta sa Taiwan ng drones at missiles na tinatayang nagkakahalaga ng 360 Million Dollars, ayon sa Defense Security Cooperation Agency ng Pentagon.
Sinabi ng Pentagon Agency na sa pamamagitan ng mga armas ay mapabubuti ang seguridad ng Taiwan at matutulungan nila sa pagpapanatili ng political stability, military balance, at economic progress sa rehiyon.
Suportado ng Amerika ang Taiwan at nangakong tutulungan sa pagdepensa nito sa sarili laban sa China sa kabila ng kawalan ng Formal Diplomatic Ties.
Pinaigting ng China ang military pressure sa Taiwan, kabilang na ang paglulunsad ng war games sa paligid ng isla noong nakaraang buwan matapos ang inagurasyon ni Lai Ching-Te bilang pangulo.