WELCOME sa Tacloban City Government ang planong pagbubukas ng bagong Tacloban Airport Terminal Building, sa pagsasabing inaasahang malaki ang maitutulong ito para palakasin ang economic activity sa lungsod.
Sinabi ni Mayor Alfred Romualdez na bagaman hindi pa mabubuksan ang airport sa unang semester ng taon, gaya ng unang napaulat, inaasahang mailulunsad pa rin ito ngayong 2026.
Inihayag ng alkalde na marami pang kailangang gawin bago maging fully operational ang bagong airport terminal building.
Nagpapasalamat din aniya sila kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil tinututukan nito ang proyekto.
Sa kanyang pagbisita sa Leyte noong July 2025, sinabi ng pangulo na target ng gobyerno na gawing international gateway ang Tacloban Airport pagsapit ng 2026.
Positibo si Romualdez na makahihikayat ng mas maraming investors at mga turista ang upgraded airport sa sandaling magsimula na ang international flights.




