Umarangkada ang Inter-Agency Senior Citizen Caravan 2024 sa San Policarpio covered court sa Calbayog City.
Dumalo ang mga senior citizens mula sa dalawampung barangay sa first leg ng caravan, kahapon, kung saan nagkaroon ng general check-up services at pneumonia vaccination.
ALSO READ:
Calbayog City LGU, nag-turnover ng panibagong School Vehicle sa ilalim ng Sakay Na Program
Mahigit 236 million pesos na halaga ng Relief, inihanda ng DSWD Region 8 para sa mga biktima ng kalamidad
Pasok sa mga paaralan sa ilang bahagi ng Eastern Visayas, sinuspinde kasunod ng Magnitude 6 na lindol
DPWH, magpapatupad ng 15-Ton Load Limit sa Calbiga Bridge sa Samar
Namahagi rin ng maintenance medications, vitamins, at dental kits.
Tiniyak naman ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy na ipagpapatuloy nito ang programa na magtataguyod sa kapakanan ng mga senior citizen, at dadalhin ito sa iba’t ibang barangay.