NANGAKO si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na maglalaan ng malaking pondo para sa proposed 11.9-Billion Peso Unity Road Project sa susunod na dalawang taon para mapagbuti ang connectivity sa tri-boundaries ng Samar Island.
Sinabi ni Dizon na ikokonsidera ang naturang proyekto bilang priority, dahil inendorso ito ng Regional Development Council (RDC), Regional Peace and Order Council (RPOC), at ng tatlong Samar governors.
Aniya, nasa 10 billion pesos pa ang natitirang funding requirement, subalit ima-maximize nila ang available allocation sa pagitan ng 2027 at 2028.
Binigyang-diin ng DPWH chief na ang lobbying para sa Unity Road ay direktang nagmula sa local leaders na matagal nang humihirit ng suporta para sa naturang infrastructure projects.




