SINIMULAN ng gibain ng Israel ang UNRWA headquarters sa East Jerusalem, kasuond ng pagpasa ng batas na nagbabawal sa mga aktibidad ng United Nations agency para sa Palestinian refugees.
Dumating sa compound ang mga pulis, maging ang enforcement officers mula sa Israel Land Authority, na may kasamang bulldozers at engineering equipment at inumpisahang i-demolish ang headquarters.
Sa statement, sinabi ng Israel Land Authority na layunin ng pagpapatupad ng batas na matiyak ang full possession ng property at masimulan ang pag-clear sa lugar.
Tinawag naman ng UNRWA ang hakbang na isang unprecedented attack laban sa United Nations agency at sa premises nito.




