ITINANGGI ng Department of Public Works and Highways sa Region 8 ang umano ay Ghost Flood Control Projects sa Eastern Samar.
Partikular na itinanggi ng DPWH Region 8 ang mga ulat na 80 percent ng pondo para sa proyekto ang naibayad na sa para sa konstruksyon ng Flood Control Structures sa Hernani at Llorente.
ALSO READ:
Responsible pet ownership, pinaigting pa sa Tacloban City
DOLE Region 8, planong magdaos ng karagdagang job fairs para sa mga nawalan ng trabaho sa imprastraktura
Kahalagahan ng Laoang Islets sa ancient trade, binigyang-diin ng National Museum
Pagtatayo ng modernong public market sa Tacloban City, inaasahang sisimulan ngayong taon
Sinabi ng DPWH na base sa kanilang rekord, hindi totoong naibigay na ang nasabing pondo.
Ipinaliwanag ng DPWH na nabinbin ang mga proyekto dahil sa kinakailangang pagsunod sa Environmental Requirements.
Tiniyak ng DPWH Region 8 na tatapusin ang nasabing mga proyekto para maproteksyonan ang ang mga residente sa baha.
