MATAPOS ang aniya ay pagkakaroon ng “very good talks,” binawi na ni U.S. President Donald Trump ang inisyung ultimatum sa Iran.
Sa naturang ultimatum na inilabas ni Trump, nagbanta ito sa Iran na aatakihin ang kanilang mga planta kapag hindi pa binuksan ang Strait of Hormuz.
Sa social media post, sinabi ni Trump na nagkaroon ng produktibong pag-uusap ang Washington at Tehran sa nakalipas na dalawang araw.
Tinalakay aniya ng dalawang bansa ang complete at total resolution ng nagpapatuloy na kaguluhan sa Middle East.
Batay sa naging resulta ng pag-uusap, sinabi ni Trump na inatasan na niya ang Pentagon na ipagpaliban ang lahat ng military strikes laban sa Iranian power plants at mga energy infrastructure sa loob ng limang araw.
Magpapatuloy ayon kay Trump ang pag-uusap ng US at Iran ngayong linggong ito.




