INAPRUBAHAN ng gobyerno ng Britanya ang plano ng China na itayo sa London ang kanilang pinakamalaking embassy sa Europe, upang mapagbuti pa ang ugnayan sa Beijing.
Sa kabila ito ng babala ng British at US politicians na magamit ang embahada bilang base sa pag-e-espiya.
ALSO READ:
Tatlong taon ng naantala ang plano ng China na magtayo ng bagong embassy sa site ng two-century-old royal mint court malapit sa Tower of London.
Tutol kasi rito ang mga lokal na residente, mga mambabatas, at Hong Kong pro-democracy campaigners na nasa Britain.
Inanunsyo ang desisyon bago ang inaasahang pagbisita sa China ni Prime Minister Keir Starmer ngayong buwan, na unang beses na gagawin ng isang British leader simula noong 2018.




