INIREKOMENDA ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsasampa ng kaso laban sa mga sangkot sa maanomalyang Flood Control Projects, kabilang na ang mga kasalukuyan at dating mambabatas.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, kabilang sa mga respondent ay sina Dismissed Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara, Senators Joel Villanueva at Jinggoy Estrada, Ako Bicol Party-List Rep. Zaldy Co, DPWH Undersecretary Roberto Bernardo, at Dating Caloocan Rep. Mitch Cajayon.
ALSO READ:
Finger heart sign ni Sarah Discaya, itinuturing ng DOJ na kawalan ng sinseridad
Hearings ng ICI, hindi mapapanood sa livestream – Executive Director
Mahigit 1,300 mga silid-aralan, sinira ng bagyong Opong at ng Habagat – DepEd
26, napaulat na nasawi bunsod ng mga Bbagyong Mirasol, Nando, at Opong, at maging Habagat – NDRRMC
Sinabi ni Remulla na ang Complaint ay para sa Violation ng Anti-Graft and Corruption Act, Indirect Bribery, at Malversation of Public Funds.
Ito’y matapos magtungo si Alcantara sa Department of Justice kahapon para sa Evaluation ng kanyang testimonya.