MAS maraming Pilipino ang naniniwala na kulang ang hakbang ng Marcos administration para makontrol ang mataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Batay ito sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey na kinomisyon ng Stratbase Consultancy.
58 percent ng respondents ang nagsabing “definitely insufficient and somewhat insufficient” ang hakbang ng pamahalaan habang 16 percent ang naniniwalang sapat ang ginagawa ng gobyerno.
Samantala, hindi naman masabi ng 19 percent respondents kung sapat o kulang ang hakbang ng pamahalaan habang 7 percent ang nagsabing wala silang sapat na kaalaman para magbigay ng opinyon.
Isinagawa ang Stratbase-SWS January 2025 pre-election survey simula jan. 17 hanggang 20, sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,800 registered voters sa Metro Manila, balance Luzon, Visayas, at Mindanao.