NAGBITIW sa puwesto si PNP-HPG Acting Director Police Brigadier General Jessie Tamayao matapos siyang ireklamo ng sexual harassment ng kaniyang kapwa-pulis sa National Police Commission.
Sa kaniyang inilabas na statement, nanindigan si Tamayao na ginampanan niya ng maayos ang kaniyang tungkulin sa loob ng tatlumpung taon sa serbisyo.
ALSO READ:
Sinabi rin nitong palagi niyang inirerespeto ang mga kasama sa trabaho.
Sa kabila nito, nagpasya umano siyang magbitiw sa puwesto para masiguro ang impartial, patas at transparent na imbestigasyon.
Ito ay para maiwasan din ang mga persepsyon na maiimpluwensyahan niya ang proseso.
Effective immediately ang pagbibitiw ni Tamayao sa puwesto.




