13 November 2025
Calbayog City
Local

1 Barge sumadsad sa baybayin sa panahon ng Super Typhoon Uwan sa Calbayog City

PERSONAL na nagsagawa ng inspeksyon si Mayor Raymund “Monmon” C. Uy sa Barge Kapayapaan 2 La Union, na sumadsad sa kasagsagan ng Super Typhoon Uwan, Nobyembre 10, 2025 sa Brgy. Binaliw, Tinambacan District, Calbayog City.

Nagtamo ng pinsala ang barko matapos itong matangay patungo sa dalampasigan sa Barangay Binaliw.

Sinimulan ng Philippine Coast Guard – Station Western Samar (PCG) ang masusing imbestigasyon upang matukoy ang mga pangyayari sa insidente at masuri ang lawak ng pinsala.

Binigyang-diin ni Mayor Mon ang pangako ng pamahalaang lungsod na makipag-ugnayan sa Coast Guard at iba pang kinauukulang ahensya upang pangalagaan ang mga residente at mapanatili ang kaayusan sa baybayin.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).