TARGET ng Gilas Pilipinas na palawigin ang kanilang pamamayagpag sa Southeast Asian Basketball, sa pagsabak sa nalalapit na 2025 SEA Games.
Magsisilbing coach ng national team si Norman Black, na dating pinangunahan ang Pilipinas para masungkit ang SEA Games Gold Medal noong 2011.
ALSO READ:
Ang lineup ay binubuo ng professional at collegiate standouts, at sumailalim sa apat na revisions.
Kinabibilangan ito nina Jamie Malonzo, Dalph Panopio, Thirdy Ravena, Matthew Wright, Ray Parks, Ced Manzano, Justin Chua, Robert Bolick, Von Pessumal, Allen Liwag, Abu Tratter, at Veejay Pre.
Ang SEA Games na gaganapin sa Thailand ay magsisimula sa Dec. 9 hanggang sa Dec. 20.




