HINDI naitago ng TV host na si Bianca Gonzalez ang pagkadismaya sa mas mahal na biyahe patungong Siargao na isang tourist destination sa Pilipinas, kumpara sa mga kalapit na bansa.
Ito aniya ang dahilan kaya mahirap suportahan ang local tourism.
ALSO READ:
Sa X (dating Twitter), sinegundahan ni Bianca ang sentimyento ng abogado at kolumnista na si Gregorio Larrazabal, na nanawagan sa Department of Tourism (DOT) na ibaba ang pasahe sa domestic flights.
Sinabi ng TV host na napatunayan niya ito dahil nag-book sila ng biyahe patungong Siargao at mas mahal pa ito kaysa sa trip to Hong Kong, Bangkok, o Vietnam.
Umani ng atensyon mula sa netizens ang tweet ni Bianca, at marami ang sumang-ayon at naka-relate sa kanyang komento.




