23 November 2024
Calbayog City
National

Tulong upang mapalakas ang mga agri-workers dapat paigtingin: Trabaho Partylist 

trabaho

Isinusulong ng Trabaho Partylist ang mga hakbang upang mapalakas ang sektor ng mga manggagawa sa agrikultura, tulad ng pagpapalago ng “farm tourism” at paghahatid ng paunang tulong pinansyal para sa mga iba’t ibang proyekto at kagamitan. 

Ayon kay Atty. Filemon Ray L. Javier, tagapagsalita ng Trabaho Partylist, sa pamamagitan ng programang ito, hangad nilang makapagbukas ng mas maraming trabaho at oportunidad sa sektor ng agrikultura at turismo.

Bukod dito, malaking tulong na rin aniya ito sa mga magsasaka, mangingisda, at iba pang kasapi ng agrikultural na komunidad.

Binigyang diin ng Trabaho Partylist, na mahalaga ang tulong pinansiyal upang matiyak ang maayos na pagsisimula ng mga proyekto. 

Aniya, ang paunang suporta ay makapagbibigay sa kanila ng kakayahan at kagamitan upang mapaganda ang kanilang sakahan at magamit ito bilang tourist attraction.

Dagdag pa rito, tinitiyak din ng Trabaho Partylist ang pagmo-monitor at pagbibigay ng karagdagang suporta sa mga proyektong may oportunidad na lumago. 

Isasagawa rin dito ang regular na pagsusuri upang masigurong natutugunan ang mga pangangailangan ng mga kalahok, lalo na sa mga lugar na mabilis ang pag-usbong ng farm tourism.

Bilang bahagi ng kanilang adbokasiya, makikipagtulungan din ang Trabaho Partylist sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang makatulong sa marketing ng mga farm tourist spots. 

Maglalatag ng mga kampanya upang makahikayat ng mga lokal at dayuhang turista na bumisita sa mga lugar na ito, kasabay ng pagpapaunlad ng mga serbisyong handog ng mga farm owners.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.